Kabataang mga manggagawa: impormasyon para sa mga tagapag-empleyo
Ang mabuting pamumuno ay nakakatulong na protektahan ang mga kabataang manggagawa sa sakit at pinsala.
Mamuhunan sa mga batang manggagawa
Ang kaso ng negosyo para sa pagtanggap ng mga batang manggagawa ay malinaw. Ang mga kabataang manggagawa ay nagdadala ng ilang panandalian at pangmatagalang benepisyo sa mga trabahong nasa Victoria, kabilang ang:
- Inobasyon at pagkamalikhain
- Mga bagong kasanayan at optimismo
- Ang mga kasunod na mga talento sa hinaharap at proteksyon laban sa mga puwang sa kasanayan
Ang mabuting pamumuno ay nakakatulong na protektahan ang mga kabataang manggagawa
Kapag alam ng mga empleyado na mahalaga ang kalusugan at kaligtasan sa mga nasa posisyon ng pamumuno, mas malamang na magiging ganado silang sundin ang mga pamamaraan sa kaligtasan at mag-ulat ng mga alalahanin sa kaligtasan.
Napakahalaga na ang mga tagapag-empleyo, tagapamahala, superbisor, kinatawan ng HSR at matatandang manggagawa ay magmodelo at magpakita ng mga saloobin ng OHS na ipinaalam sa mga kabataang manggagawa sa kanilang oryentasyon at pagsasanay.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa para sa mga kabataang manggagawa, pagkakaroon ng bukas at regular na pag-uusap tungkol sa mga isyu sa OHS, at patuloy na pagtataguyod ng mga channel para sa pag-uulat ng mga peligrosong trabaho, maaari kang makatulong na protektahan ang mga kabataang manggagawa mula sa mga pinsala at sakit na nauugnay sa trabaho.
Panatilihing ligtas ang mga kabataang manggagawa
Sa ilalim ng mga batas sa kalusugan at kaligtasan ng Victoria, dapat kang magbigay at magpanatili ng isang kapaligiran sa pagtatrabaho para sa iyong mga empleyado na ligtas at walang mga panganib sa kalusugan, hangga't ito ay makatwirang magagawa. Bilang isang tagapag-empleyo, mayroon kang ilang mga responsibilidad na mahalaga upang mabawasan ang panganib ng pinsala sa mga kabataang manggagawa, na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- bigyan ang mga empleyado ng impormasyon, mga tagubilin, pagsasanay at pangangasiwa na kinakailangan upang maisagawa ang kanilang mga trabaho nang ligtas
- magbigay at magpanatili ng ligtas na makinarya, kagamitan at sistema ng trabaho, hangga't makatwirang magagawa
- panatilihin ang lugar ng trabaho upang ito ay tiyaking ligtas at walang panganib sa kalusugan, hangga't makatwirang magagawa
Para sa layunin ng mga tungkuling ito, ang 'mga empleyado' ay kabilang ang mga kontratista, subcontractor, mga empleyado ng isang kontratista, at mga empleyadong kumukuha ng manggagawa. Ang mga empleyado ay ang mga may kontrata sa trabaho o sa pagsasanay. Ang mga boluntaryo ay hindi mga empleyado, kahit na sila ay tumatanggap ng mga gastusin sa pamumuhay.
Dapat ding tiyakin ng mga tagapag-empleyo na ang mga taong hindi empleyado ay hindi malalantad sa panganib sa kalusugan at kaligtasan na nagmumula sa pag-uugali at gawain ng tagapag-empleyo.
Nasa ibaba ang ilang partikular na mga hakbang na maaari mong gawin upang matupad ang iyong mga ligal na tungkulin at panatilihing ligtas ang mga kabataang manggagawa.
Magbigay ng impormasyon
Tiyaking nakakakuha ng tamang oryentasyon ang mga kabataang manggagawa. Ang mga pangunahing bahagi ng oryentasyong pangkalusugan at pangkaligtasan para sa mga kabataang manggagawa ay dapat kasama ang:
- pagpapakilala sa OHS, kabilang ang kung paano tukuyin at iulat ang hindi ligtas na pagtrabaho
- mga panganib sa lugar ng trabaho at mga hakbang sa pagkontrol sa panganib
- mga patakaran at pamamaraan ng OHS
- pangunang lunas at emerhensiya
- mga paglilibot at pagtatanghal, kabilang ang mga kinatawan ng kalusugan at kaligtasan (HSR)
Magbigay ng edukasyon at pagsasanay
Tiyaking nauunawaan ng mga manggagawa kung paano gagawin ang kanilang mga trabaho nang ligtas. Gamitin ang 'tell me, show me, see me' ('sabihin sa akin, ipakita sa akin, panoorin ako') na pamamaraan kapag nagbibigay ng pagtuturo at pagsasanay na partikular sa gawain sa mga kabataang manggagawa. Ang pamamaraang ito ay may tatlong yugto:
- Sabihin sa akin – magbigay ng malinaw at detalyadong paliwanag ng gawain sa batang manggagawa, bigyang pansin ang mga pangunahing elemento at ilarawan ang dokumentadong pamamaraan.
- Ipakita sa akin - ipakita ang gawain habang pinapanood ka ng batang manggagawa, ipaliwanag ang mga pangunahing elemento at tanungin ang mga batang manggagawa ng mga tanong upang suriin ang kanilang pag-unawa.
- Panoorin ako - obserbahan ang mga kabataang manggagawa habang isinasagawa nila ang gawain at magbigay ng malinaw at positibong puna upang suportahan sila upang maisagawa ang gawain nang ligtas.
Magbigay ng personal protective equipment (PPE)
Bigyan ang mga kabataang manggagawa ng mga kinakailangang kagamitan at ipakita sa kanila kung paano magsuot/gumamit ng anumang kagamitang pang-proteksyon. Tiyaking nauunawaan ng mga kabataang manggagawa kung bakit mahalaga ang PPE at kung paano nito maiiwasan ang mga pinsala at sakit na nauugnay sa trabaho.
Pangasiwaan
Ipinakikita ng pananaliksik na ang mabuting relasyon sa pagitan ng mga superbisor at kanilang mga kabataang manggagawa ay nakakabawas sa panganib ng mga pinsala sa lugar ng trabaho. Ang mga kabataang manggagawa ay madalas na nag-aalala tungkol sa pagkawala ng mga shift o trabaho kung mag-uulat sila ng mga problema sa kalusugan at kaligtasan. Ang pagmomodelo ng mga positibong relasyon sa pagtatrabaho, pagbibigay ng positibong feedback at paghikayat sa kanila na patuloy na magtanong ay maaaring magbigay ng kapangyarihan sa mga kabataang manggagawa na magsalita.
Konsultasyon
Bilang isang tagapag-empleyo, responsable ka sa pagbabahagi ng impormasyon sa kalusugan at kaligtasan sa lahat ng empleyado. Isama ang mga kabataang manggagawa sa mga konsultasyon sa mga isyu sa kalusugan at kaligtasan, tulad ng mga panganib sa lugar ng trabaho at mga hakbang sa pagkontrol, at paghikayat sa kanila na aktibong lumahok sa proseso ng konsultasyon. Tiyaking kasama ang mga kinatawan ng kalusugan at kaligtasan (HSR) sa kultura ng kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho.
May tanong ka ba at gusto mo ba kaming makausap?
Maaari kang tumawag sa mga serbisyo ng interpreter sa 131 450 at makakonekta sa isang interpreter na gagabay sa iyo sa iyong pakikipag-usap sa aming call center sa WorkSafe Victoria.
Matutulungan ka ng WorkSafe Victoria sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa kalusugan at kaligtasan sa lugar ng trabaho, tulad ng mga pinsalang pisikal o sa pag-iisip. Ang aming mga serbisyo sa pagkonsulta ay makukuha mula 7:30 ng umaga hanggang 6:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa numerong 1800 136 089.